NCRPO, nagbabala sa mga nagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa pagbabakuna

Nagbanta ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lahat ng mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa pagbabakuna na mayroong kaakibat na parusa sa ilalim ng RA 11469 Section 6 (F).

Ayon kay NCRPO Regional Director PMGen. Vicente Danao Jr., base sa kasalukuyang datos ipinakita nito na ang pagpababakuna ay hindi lamang pinoprotektahan ang kanilang mga sarili bagkus ang kanilang pamilya at komunidad pagkatapos na mapatunayan ng mga eksperto na mabawasan ang tsansang mahawaan ng virus.

Paliwanag ni Danao sa NCRPO mismo ang kabuuang bilang ng personnel na nagpositibo sa COVID-19 matapos na mabakunahan ay napakababa kumpara sa mga hindi nabakunahan.


Sa 22,394 personnel tanging 206 o katumbas ng 0.95% ang nahawaan ng virus, habang 14 o 2.95% out of 469 na nabakunahan ng kanilang first dosage at 8 o 0.82% na kumpletong dosage.

Habang 192 personnel na hindi nabakunahan 95 o 49.48% ang nahawa.

Dagdag pa ni Danao ang pagpapakalat ng mga fake news tungkol sa kumakalat na pagbabakuna ay lumilikha ng pagdududa o kalituhan tungkol sa bisa ng COVID-19 vaccine.

Sabi ni Danao, sa ngayon 22,384 o 97.13% ng NCRPO personnel ay fully vaccinated o bakunado na habang 475 o 2.04% ay nasa first dose pa lang, ang naturang datos ng NCRPO ay malapit sa kanilang vision ng 100% vaccination standard sa kanilang mga tauhan at tanging 192 o 0.83% dahil sa medical condition at iba pang mga kadahilanan ang hindi pa nababakunahan.

Facebook Comments