Abot sa 368 na mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO ang ipinadala ngayong umaga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay NCRPO Chief PBGen. Debold Sinas, ang reactionary unit ng NCRPO ay magbabantay sa Critical Areas ng Bilibid Prison partikular na sa Maximum Security Compound.
Mahigpit ang mga Guidelines na ipapatupad para sa bagong tropa na idineploy sa NBP.
Bawal na sa mga pulis ang paggamit ng cellphone at iba pang electronic gadgets, pagsusuot ng alahas habang nasa tour of duty sa Bilibid.
Kailangan na rin ang tamang paggamit o pagsusuot ng uniporme alinsunod sa Letter Of Intent Tamang Bihis; magkaroon din muna ng Personnel Accounting sa NCRPO bago ang deployment; habang ang Operational shifting ay magsisimula ng 6:00 AM hanggang 6:00 ng gabi lamang.
Ang mga itatalagang RMFB Personnel ay sasailalim sa pamamahala at superbisyon ng Bureau of Corrections pagpasok sa BuCor Premises; at aakto alinsunod sa Polisiya ng BuCor.
Mahigpit ding ipinagbabawal sa lahat ng Augmented Personnel ang pakikipag-usap sa mga inmates maliban na lamang kung kinakailangan.