NCRPO, naghahanda na para matiyak ang seguridad ngayong nalalapit na ang kapaskuhan

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda na sila para matiyak ang seguridad ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Ayon sa NCRPO, handa silang magpakalat ng nas maraming PNP personnel sa simbahan, mall, transport hub at mga matataong lugar.

Ito’y para masiguro na ang lahat ay ligtas na makapapag-celebrate ng pasko kasama ang kanilang pamilya.

May ilan kasi na mas piniling lumabas kasama ang pamilya habang ang ilan ay sa kanya-kanyang bahay lang magdiriwang ng Christmas eve.

Nagpaalala naman ang NCRPO na maging maingat at huwag nang magdala ng mga mamahaling bagay kapag nagpupunta sa matataong lugar tulad ng Divisoria.

Facebook Comments