NCRPO, naghahanda na para sa kapistahan ng Jesus Nazareno

Nagtungo ang ilang tauhan ng Communication and Electronic Service ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Ito’y para suriin kung nasa maayos na kundisyon ang mga CCTV sa paligid ng Quiapo, Maynila.

Isa-isang tinignan kung malinis, malinaw, gumagana at maayos ang koneksyon ng lahat ng CCTV lalo na ang malapit sa simbahan ng Quiapo.

Maging ang mga CCTV na nakakalat sa daraanan ng Traslacion sa January 9. 2026 ay sinuri rin ng mga tauhan ng nasabing tanggapan ng NCRPO.

Layunin nito na masigiuro na reel time ang monitoring sa pagtitipon ng mga deboto at ang pag-usad ng andas sa mismong araw ng Traslacion ng Jesus Nazareno.

Sa pamamagitan ng mga CCTV, matutukan ng NCRPO ang pagsisimula ng Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang makarating ng Quiapo Church bukod pa sa mga tauhan nila na ipapakalat para masiguro ang kaayusan at kapayapaan.

Facebook Comments