NCRPO, naghahanda na para sa Traslacion

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang gaganaping Traslacion ng Itim na Nazareno sa January 9.

Halos dalawang linggo ito bago ang pista ng Itim na Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Kahapon, December 27 nagsagawa na ng security briefing ang NCRPO sa pangunguna ni Police Director Guillermo Eleazar kasama ang hepe ng Manila Police District (MPD) na si Senior Superintendent Vicente Danao.


Tulad sa mga nakaraang taon, maglalatag ng mahigpit na seguridad ang NCRPO sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon na dinarayo ng milyun-milyong deboto taon-taon.

Samantala, sa isang press conference nitong Nobyembre una nang sinabi ni Alex Iraga, head ng Traslacion working committee na kaparehong ruta noong Enero ang dadaanan ng prusisyon sa susunod na taon.

Base kasi sa kanilang obserbasyon, mas ligtas at mas mabilis ang usad ng prusisyon sa sinunod nilang ruta noong Enero.

Facebook Comments