NCRPO, naghahanda sa pagsuko ng mas maraming rebelde matapos ang pagpanaw ni Joma Sison

Naghahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang pamunuan ng Camp Bagong Diwa sa Taguig sa pagsuko ng malaking bilang ng mga rebelde.

Kasunod ito ng pahayag ni Social Welfare Usec. Allan Tanjusay na mas marami pang rebelde ang magbabalik-loob sa gobyerno.

Ito ay matapos na mamayapa si CPP-NPA-NDF Founding Chairman Jose Maria Sison.


Sinabi ni Tanjusay na sa katunayan, bago pa mamatay si Joma Sison ay marami nang lumapit sa DSWD na mga tumiwalag na rebelde.

Sa ngayon, umaabot na sa 200 million pesos ang mga naipamahaging tulong sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan.

Tig-20,000 pisong tulong pinansyal ang iniabot ng DSWD kanina sa Camp Bagong Diwa sa 17 dating rebelde.

Facebook Comments