Kasabay ng unang araw ng klase ay nag-ikot at nag-inspeksyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni PBGen. Jonnel C. Estomo sa ilang paaralan dito sa Quezon City.
Kabilang sa inikutan ang Batasan National Highschool at Ramon Magsaysay School.
Layun ng pag-iikot na alamin ang kahandaan ng kada distrito kasama na ang Quezon City Police District sa pangunguna ni PBGen Nicolas Torre III.
Tiniyak naman ni Estomo na meron silang sapat na tao upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at magulang.
Aabot sa 9,721 na mga pulis ang naka-deploy sa Metro Manila at 1,800 naman ang nagbabantay sa paligid ng paaralan.
Meron silang inilagay na police assistance desk upang makatulong sa mga estudyante kung biktimahin ng mga masasamang loob.
Magpapakalat din sila ng mga paalala at numero na maaaring tawagan o i-text ng mga mag-aaral.