NCRPO, nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad kasunod ng pambobomba sa Cotabato

 

Lalo pang hinigpitan ng NCRPO ang seguridad sa Metro Manila kasunod ng naganap na pambobomba sa Cotabato.

 

Ayon kay NCRPO OIC Brig. Gen. Debold Sinas, partikular na binabantayan nila ngayon ang tatlong libong areas of convergence sa kalakhang Maynila kasama na ang seguridad sa halos 700 transportation hubs.

 

Aabot naman sa 24,769 ang kabuuang pwersa ang itatalaga ng NCRPO ngayong kapaskuhan kasama ang higit 16 na force multiplier.


 

Patuloy din ang dayalogo ng NCRPO sa iba’t-ibang religious groups partikular sa mga lider ng kapatid na Muslim.

 

Mahigpit din ang monitoring ng pulisya sa mga magka-angkas sa motorsiklo maging ang mga naka paradang motorsiklo.

Facebook Comments