NCRPO, nagsagawa ng seminar para sa mga operatiba ng Drug Enforcement Unit

COURTESY: NCRPO

Pinalalakas pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang kampanya kontra iligal na droga kaugnay sa kanilang patuloy na edukasyon at pagsasanay ng kanilang mga tauhan sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ayon kay NCRPO Regional Director Police Major General Debold Sinas, inatasan nito ang Regional Intelligence Division na magsagawa ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 seminar alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin pa ang kampanya kontra iligal na droga sa bansa.

Layon ng naturang seminar ay upang lumawak pa ang kaalaman ng mga operatiba at imbestigador sa paghawak ng tamang procedures na may kinalaman sa Anti-Illegal Drugs Operations lalo na para matugunan ang mga isyu at concerns tungkol sa prosekusyon na may kaugnayan sa kaso ng droga.


Dinaluhan ng 175 mga kalahok na kinabibilangan ng Chiefs of Police mula sa Northern Police District kasama ang mga tauhan mula sa District Drug Enforcement Units at Station Drug Enforcement Units ng NPD at Eastern Police District.

Gayundin, nagbahagi ng kanilang mga kaalaman ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – National Capital Region, Regional Legal Office at Regional Crime Laboratory Office – National Capital Region.

Ibinida rin ng NCRPO ang kanilang mga nagawa simula January 1, 2020 hanggang sa kasalukuyan kung saan nagsagawa sila ng 8,323 operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 14,887 drug personalities at nakumpiskahan ng mahigit P1.7 billion na halaga ng iligal na droga.

Facebook Comments