NCRPO, nagsasagawa ng command conference para sa SONA

20

Manila, Philippines – Nagsasagawa ngayon ng command conference ang National Capital Region Police Office.

Partikular na pinag-uusapan sa command conference ang hinggil sa mga seguridad na ipapatupad sa ikalawang state of the nation address ng Pangulong Duterte sa Lunes.

Pinag-uusapan din ang hinggil sa mga idadaos na rally sa SONA ng iba’t ibang grupo.

Tinatalakay din sa pagpupulong ang hinggil sa crime situation sa Metro Manila.

Samantala, karagdagang 102 distressed OFWs mula sa Riyadh, Saudi Arabia ang dumating kaninang alas dies y medya sakay ng Philippine Airlines.

Ang naturang repatriates ay sumailalim sa briefing ng mga tauhan ng OWWA at Labor Department para sa mga ayudang ipagkakaloob sa kanila.

Facebook Comments