NCRPO, naka-full alert status na para sa Eid’l Fitr sa Lunes

104

Manila, Philippines – Nakataas na sa full alert status ang National Capital Region Police Office para sa preparasyon ng Eid’l Fitr sa June 26, araw ng Lunes.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, ipapakalat ang mga pulis sa mga mosque, simbahan at malls.

Dagdag pa nito, nag-deploy din ng karagdanag pwersa ng pulis sa NCR kasama ang Quezon City at Maynila.


Samantala, naka-alerto rin ang Muslim communities sa NCR upang masiguro ang kaligtasan sa gagawing selebrasyon ng lunes lalo na sa bahagi ng golden mosque sa Quiapo.

Kamakailan, sinabing aabot sa 2,000 pulis ang ipapakalat sa Quiapo at Luneta Park simula bukas.

Facebook Comments