NCRPO, naka-full alert status para makatulong sa mga sinalanta ng Bagyong Paeng

Itinaas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert ang kanilang status upang makatulong sa mga sinalanta ng bagyong Paeng.

Kaugnay nito, inatasan ni PBGen. Jonnel Estomo ang mga tauhan na tumulong sa ikakasang search and rescue operations at magpa-abot ng iba pang tulong sa mga nangangailangan.

Nasa 108 pulis ang ipinakalat ni Gen. Estomo sa mga evacuation areas,108 rin sa vital installations at 4 na unit ang nagpa-patrol sa mga lugar kun saan nagsilikas ang mga pamilya.


May mga pulis rin ang nag-monitor ng mga creeks, dams at mga ilog para sa agarang paglikas ng mga residente na nakatira dito sakaling tumaas ang lebel ng tubig.

Nagpakalat rin ng mga pulis para tumuling sa clearing operations at masiguro na madadaanan anv mga kalsada mataoso ang pananalasa ng bagyong Paeng.

Tumutulong rin ang NCRPO sa repacking ng mga food packs na ipapamahagi sa mga pamilya na naapektuhan ng bagyong Paeng sa iba’t ibang evacution center sa Metro Manila.

Facebook Comments