Handang-handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanilang pwersa para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ayon kay NCRPO Chief acting Regional Director, PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., may kabuuang 56,984 pwersa ang ipapakalat kung saan 8,460 ay mula sa puwersa ng pulisya.
Habang 861 dito ay mula sa Bureau of Fire Protection-NCR; 300 mula sa Philippine Coast Guard-NCR; 1,439 mula sa Bureau of Jail Management and Penology-NCR at 45,802 na mga guro mula sa Department of Education; at 122 mula sa Joint Task Force-NCR.
Matatandaang nagkaroon ng simultaneous multi-agency send-off ceremony ng security forces.
Samantala, iginiit din ni Nartatez na sapat ang kanilang mga tauhan para magbantay kung saan nakakalat ang kanilang hanay sa mga botohan at tiyakin na maipatupad ang mapayapa at patas na BSKE election 2023.