NCRPO, nakahanda na kung sakaling ipatupad ang MGCQ sa Marso

Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Vicente Danao Jr. na naghahanda na sila kung sakaling isasailalim ang Metro Manila sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa susunod na buwan.

Ayon kay Danao, mas lalo nilang tututukan ang pagpapatupad at pagpasunod sa health protocols laban sa COVID-19 kahit na magluwag na ang community quarantine sa Metro Manila.

Umiikot na anya sila sa mga barangay para ipaalala na sumunod sa COVID-19 protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield at social distancing.


Nanawagan naman si Danao sa mga mall na Metro Manila na dapat patuloy na ipatupad ang minimum health standards kahit nasa MGCQ na ang buong National Capital Region (NCR).

Maliban dito, papaigtingin din anya niya ang security measures na ipapatupad ng pambansang pulisya para masigurong ligtas ang mga COVID-19 vaccine.

Giit niya na panahon na rin para magluwag ng community quarantine para muling ng sumigla ang ekonomiya ng NCR at ng buong bansa.

Facebook Comments