Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakahanda ang mga kapulisan sa inaasahang malawakang kilos protesta kasabay ng ika-44 na anibersaryo ng martial law sa September 21.
Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde – may sapat silang bilang ng mga pulis para magbantay at panatilihin ang kaayusan sa kasagsagan ng kilos protesta.
Pero wala pang taya si Albayalde kung gaano karami ang lalahok sa mga pagkilos sa darating na Huwebes.
Nabatid na una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng ideklara niyang walang pasok ang nabanggit na petsa para mabigyang laya ang mga nais makiisa sa mga naturang pagkilos.
Facebook Comments