Umabot sa 580,000 illegal campaign posters ang nakumpiska ng National Capital Region Police (NCRPO) kasabay ng pagtatapos ng campaign period nitong Sabado.
Ayon kay NCRPO Chief, Police Major Gen. Guillermo Eleazar, nasa 70% ng tone-toneladang mga campaign tarpaulin ay mula sa Quezon city.
Dagdag pa ni Eleazar, properly documented ang lahat ng mga material at ipinagbigay-alam na ito sa Commission On Elections (Comelec)
Ang paglalagay ng campaign posters sa labas ng Comelec designated areas ay paglabag sa election law.
Ang mga nakolektang illegal campaign posters ay nai-turn over na sa environment protection and waste management department para sa recycling.
Facebook Comments