NCRPO, nakapagtala na ng higit 400 gun ban violators

Umabot sa 406 na indibidwal ang nahuli ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa paglabag sa ipinapatupad na gun ban kaugnay sa nalalapit na 2022 election.

Mula January 9, 2022, nasa 183 na baril ang nakumpiska sa ikinasang 338 police operations.

Sa nasabing bilang, 150 ang iba’t ibang klase ng baril habang 33 dito ay pawang mga improvised weapons o sumpak.


Nakumpiska rin ng NCRPO ang nasa 13 pampasabog at mga IED.

Umaabot din sa 2,269 na mga bala ng baril ang nakumpiska sa higit 8,000 checkpoints na isinagawa sa Metro Manila.

Sa datos ng NCRPO, ang Southern Police District ang nakapagtala ng pinakamaraming nahuli na nasa 124; sinundan ng Northern Police District na nasa 95; Manila Police District na 87; Eastern Police District na 51 at Quezon City Police District na nasa 49.

Wala namang naitala ang NCRPO ng kahit anumang election-related incident sa buong Metro Manila.

Facebook Comments