NCRPO, nakapagtala ng 9 na bagong COVID cases sa kanilang hanay

36

Muling nadagdagan ang bilang ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tinamaan ng COVID-19.

Sinabi ni NCRPO Director Pol. Major General Debold Sinas na siyam na tauhan nila ang bagong na-infect ng virus.


As of October 26, 2020, umabot na sa 2,613 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa NCRPO.

Ayon kay Sinas, 13 naman ang gumaling ngayong araw sa nasabing sakit kaya’t umabot na sa 2,534 ang total recoveries.

Sa kasalukuyan, 74 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa NCRPO at sila ay nagpapagaling ngayon sa Department of Health (DOH) Standard Quarantine Facility sa NCRPO.

Habang lima na ang mga tauhan ng NCRPO na nasawi sa COVID-19.




Facebook Comments