NCRPO, nakapagtala ng pagbaba ng porsyento sa stray bullet incidents at biktima ng mga paputok; porsyento ng kumpiskadong ilegal na paputok, tumaas

Bumaba sa 50% ang stray bullet incidents at 28% naman sa nabiktima ng paputok ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong nagdaang holiday season.

Kumpara ito sa bilang na naitala ng NCRPO noong nakaraang holiday season.

Dahil sa mas pinaigting na kampanya ng mga kapulisan pagdating sa mga ilegal na paputok, tumaas sa 1,386% ang nakumpiskang illegal firecrackers kumpara noong 2023.


Resulta ito ng targeted enforcement strategies at ang pakikipagkoordinasyon ng mga kapulisan sa local government unit (LGU) at komunidad.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Brigidier Anthony Aberin, na dahil sa hakbang na ginawa ng kanilang kapulisan, nabawasan ang mga aksidente ngayong taon.

Dagdag pa ni PBGen. Aberin na kanilang pag-aaralan pa ang mga sitwasyong nangyari upang makagawa ng mas epektibong hakbang sa susunod na taon.

Facebook Comments