NCRPO, nakikipag-coordinate na sa korte para sa kustodiya ni Ruben Ecleo Jr.

Nagsasagawa na ng coordination ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa korte para sa kustodiya ng dating mambabatas at cult leader na si Ruben Ecleo Jr.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas, aalamin kung saan dapat maaaring i-turn-over ang number 1 most wanted ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Aniya, hindi siya pwedeng magtagal sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan dahil temporary detention facility lamang ang mayroon doon.


Sinabi rin ni Sinas na isinuko rin ni Ecleo ang ilang armas, kabilang ang kanyang M16 rifle at tatlong short firearms.

Si Ecleo ay naaresto sa San Fernando, Pampanga kasunod ng arrest warrant na inisyu ng Sandiganbayan First Division.

Na-convict si Ecleo dahil sa pagpatay sa kanyang asawa na si Alona Bacolod.

Hinatulan din siya ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ng Cebu court at inatasang magbayad ng ₱25 million na halaga ng pinsala sa pamilya ng kanyang asawa.

Bukod kay Ecleo, naaresto rin ang driver niyang si Benjie Fernan Relacion.

Facebook Comments