NCRPO, namamahagi ng safety flyers kasabay ng nalalapit na Lenten at summer vacation

Bilang bahagi ng Ligtas Sumvac o Summer Vacation 2019 namamahagi ang Regional Community Affairs Development Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng safety tips flyers.

Ayon kay NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar, layon nitong ipaalala sa publiko ang mga dapat at hindi dapat gawin ngayong kaliwa’t kanan ang bakasyon o outing.

Maliban sa flyers, mag-iinspeksyon din sila sa mga terminal, paliparan, pantalan at estasyon ng LRT at MRT upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.


Kasunod nito hinihikayat ng NCRPO ang publiko na agad i-report anuman o sinumang kahina-hinala sa Isumbong mo sa Team NCRPO hotlines 0999-901-8181o 0915-888-8181.

Una nang sinabi ni Eleazar na higit sa 11,500 na tauhan ng NCRPO ang ipakakalat ngayong bakasyon kung saan naka-full alert ang kanilang status.

Facebook Comments