MANILA – Nagsagawa ng Joint Command Conference ang National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 13.Sa interview ng RMN kay NCRPO Spokesman Chief Inspector Kimberly Molitas, sinabi niya na katuwang nila ang Department of Education (DepEd), Office of the Civil Defense at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Balik-Eskwela Program.Kasabay nito, nanawagan si Molitas sa publiko na makibahagi sa kanilang mga programa at paghahandang isinasagawa para hindi ito mabalewala.Ipinaliwanag din niya na mahalaga na maghain ng formal complaint ang mga may reklamo o aberya para kanila itong maaksyunan.Kasabay nito, inisa-isa ni Molitas ang hotline na pwedeng i-text o tawagan ng mga mabibiktima ng krimen kabilang na ang 2920 o 117 at ang textline na 0915- 888-8181.Bukod dito, may mga hotline din ang bawat police districts.
Ncrpo, Nanawagang Makiisa Ang Publiko Sa Pagtiyak Ng Seguridad Sa Pagbubukas Ng Klase Sa Hunyo 13
Facebook Comments