NCRPO, nangangambang tumaas ang bentahan ng iligal na droga sa Metro Manila kasunod ng pagbawi sa kapangyarihan ng PNP na magsagawa ng drug operations

Manila, Philippines – Posibleng lalo pang tumaas ang insidente ng bentahan ng illegal na droga sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ito ang pangamba ngayon ng National Capital Region Police Office kasunod narin ng pagtanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kamay ng Pambansang Pulisya ang pagsasagawa ng oplan tokhang at iba pang operasyon kontra iligal na droga.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, hindi kayang bantayan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang bawat sulok ng bansa lalo na’t hindi sapat ang bilang ng kanilang mga tauhan.


Sa kabila nito, tiniyak ni Albayalde na tutulong pa rin sila sa PDEA sa pamamagitan ng pagbibigay ng intelligence report at mga impormasyong may kaugnayan sa illegal drugs.

Nilinaw pa ng NCRPO Chief na bagama’t pinagbawalan na silang magkasa ng operasyon kontra illegal na droga, maaari parin nilang damputin ang sinumang drug suspek na maaaktuhang gumagamit ng pinagbabawal na gamot pero sa halip na sa himpilan ng pulis ay sa tanggapan na ng PDEA dadalhin ang mga mahuhuling drug suspek.

Facebook Comments