Umakyat na sa 14,673 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang madagdagan ng 187 na bagong mga kaso ang datos mula sa PNP Health Service.
Nasa 72 ang naitalang bagong kaso sa National Capital Region Police Office (NCRPO), sinundan naman ito ng National Operational Support Unit (NOSU) na may 41 kung saan ay 12 rito ang nagmula sa Aviation Security Group (AVSEGROUP).
Aabot naman sa 15 ang naitala sa Cordillera, 13 sa NASU, tig – 10 naman sa CALABARZON at MIMAROPA, 9 sa Central Visayas.
Tig – 4 sa Ilocos at NHQ, tig – 3 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Davao, 2 naman sa Bicol habang 1 naman ang naitala sa Zamboanga Peninsula.
Mula sa kabuuang bilang ay nasa 2,157 ang total active cases o sumasailalim pa sa gamutan o di kaya’y nagpapagaling na.
Nasa 12,262 naman ang total COVID recoveries sa PNP matapos madagdagan ito ng 98 habang nasa 37 na ang death toll matapos madagdagan ito ng 1 nitong Sabado.