NCRPO, nangunguna pa rin sa may pinakaraming PNP personnel na infected ng COVID-19

Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) pa rin ang may pinakamaraming naitatalang Philippine National Police (PNP) personnel na nagkasakit ng COVID-19.

Ito ay batay sa datos na inilabas ni Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.

Sa datos, as of January 26, 2021, mayroong kabuuang confirmed COVID cases sa buong PNP na 9,956.


Sa bilang na ito, NCRPO ang maraming naitala na umaabot sa 2,822 COVID cases, 82 rito ay active cases.

Sinusundan naman ng National Support Unit ang may pinakaraming kaso ng COVID na aabot sa 2,777 sa bilang na ito 136 sa active cases.

Pangatlong pinakamaraming pulis na nagka-COVID ay sa PNP-CALABARZON na mayroong 719.

Paliwanag ni Eleazar, sa NCR ang pinakasentro ng Coronavirus kaya inaasahan nilang dito ang maraming nagpopositibo.

Samantala, good news naman dahil batay pa sa ulat ni Eleazar, may 41 PNP personnel ang gumaling kahapon sa COVID kaya naman umaabot na sa 9,355 ang kabuuang recoveries sa PNP.

Nanatili naman sa 28 ang nasawing tauhan ng PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments