Dumipensa ang National Capital Region Police Officer (NCRPO) sa isinagawang pagsalakay sa opisina ng militanteng grupo sa Maynila.
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni NCRPO Director P/Bgen. Debold Sinas na lehitimo ang ikinasang operasyon ng pulisya sa tanggapan ng militanteng grupo na bayan sa bahagi Ng Tondo, Maynila kaninang madaling-araw.
Ayon kay Sinas, isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na nakuha ng criminal investigation and detection group CIDG at sinamahan ito ng Manila Police District.
Magugunitang madaling-araw kanina nang maaresto ang 3 sa mga opisyal ng grupo na kinilalang sina Ram Carlo Bautista na siyang Manila Campaign Director; Alma Moran, Secretariat ng manila Workers Unity Secretariat at si Ina Nacino na siyang kadamay Manila Coordinator.
Paliwanag ni Sinas, hindi nila pinag-iinitan ang mga lider militante sa dahil sinusunod lamang nila ang inilabas na warrant dahil sa reklamong pag iingat ng armas na siyang ibinabato sa grupo.
Malaya naman ang grupo na maghayag ng kanilang mga akusasyon laban sa mga awtoridad pero ayon kay sinas, sa korte na lang nila sagutin ang mga kasong nakasampa laban sa kanila.