Manila, Philippines – Nanindigan ang National Capital Region Police Office na wala silang namo-monitor na posibleng presensya ng ISIS sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, sa kasalukuyan ay wala silang natatanggap na anumang impormasyon kaugnay nito.
Dagdag pa ni Albayalde, dadagdagan ng pulisya ang kanilang intelligence efforts para patuloy na mamonitor ang mga terror groups partikular na yung nakabase sa Mindanao.
Kasunod ito ng naging pahayag ni indonesian Defense Minister Ryamizar Ryacudu na hindi baba sa 1,200 isis fighters kabilang ang nasa 40 na Indonesians ang nasa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, patuloy ang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng Maute Terror Group na nauna nang napaulat na kaalyado ng ISIS sa bansa.
DZXL558