NCRPO, naniniwalang walang shootout na nangyari sa pagitan ng pulis at tinutugis nitong suspek sa Caloocan

Tiniyak ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na mapaparusahan at matatanggal sa PNP ang pulis na nakapatay sa anim na taong gulang na batang lalaki sa Caloocan City.

Ayon kay Eleazar, walang ebidensya na magpapatunay sa pahayag ni Police Corporal Rocky Delos Reyes na nakipagbarilan ito sa isang suspek dahilan para tamaan ng ligaw na bala ang anim na taong gulang na si Gian Habal.

Nasugatan rin ang lola ni Habal matapos itong barilin sa paa ni Delos Reyes.


Nahaharap si Delos Reyes sa kasong murder at paglabag sa election gun ban.

Nabatid na mayroong ring administrative case na kinahaharap si Delos Reyes dahil sa pagpapaputok ng baril sa isang birthday party noong nakaraang taon at pag-inom ng alak habang naka-duty.

Facebook Comments