NCRPO, patuloy ang pagpapatupad ng Anti-Illegal Drug Operation sa kabila ng ECQ

Tiniyak ng National Capital Region Police Office o NCRPO na patuloy pa rin ang kanilang operasyon laban sa ipinagbabawal ng droga sa kabila ng pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine o ECQ.

Batay sa datos ng NCRPO, mula April 22 hanggang April 26, umabot ng mahigit ₱6.6 milyong halaga ng ipinagbabawal na droga ang nasamsam ng kanilang mga operatiba sa ginawang buy-bust operation.

Mula sa nasabing halaga, shabu ang pinakamarami na narekober sa kanilang opersayon na umabot ito ng 972.19 grams na may katumbas na halagang mahigit ₱6.6 million at nasa 10.03 grams lang ang marijuana na may katumbas namang halagang ₱1,203.72.


Ayon sa NCRPO, umabot ng 134 operasyon ang kanilang ginawa laban sa ipinagbabawal na droga sa loob lamang ng isang linggo, kung saan nasa 222 na mga indibidwal ang mga inaresto.

Sinabi ni NCRPO Director Police Major Gen. Debold Sinas na kahit may ECQ hindi ito magiging hadlang na tugisin ang mga kriminal lalo na ‘yong may kaugnay sa ipinagbabawal ng droga.

Facebook Comments