NCRPO, pinaplano na ang pagtugis sa “Drug Queen”

Pinaplano na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paghuli sa tinaguriang ‘Drug Queen.’

Ayon kay NCRPO Chief, Major Gen. Guillermo Eleazar, ipinag-utos na niya sa Drug Enforcement Units na tugisin ang Drug Queen maging ang mga ‘galamay’ nito.

Babala pa ni Eleazar, sisibakin sa pwesto ang sinumang magbebenta o magre-recycle ng droga.


Ipinaalala rin ni Eleazar na may one strike policy sa lahat ng distrito, bukas din silang makipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, ilang beses nang napurnada ang operasyon laban sa Drug Queen.

Pagbubunyag pa ni Aquino, nasa 700 pulis ang nasa kanilang drug watchlist.

Ipauubaya na ng PDEA sa Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang paglabas o pagsasapubliko ng listahan ng mga tiwaling Pulis.

Facebook Comments