NCRPO Press Club, pinalilipat ni NCRPO Chief Debold Sinas sa Camp Bagong Diwa

Pinaalis ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Brig/Gen. Debold Sinas ang NCRPO Press Club sa kanilang opisina sa Quezon City.

Nitong Huwebes, pinuntahan ni Sinas ang mga opisyal ng Press Club para sabihing kailangan nilang bakantehin ito.

Binigyan sila hanggang bukas para ligpitin ang kanilang gamit.


Pero nilinaw ni Sinas, wala itong kinalaman sa kanyang paghihigpit sa pagpapaunlak ng panayam sa media.

Kailangan lamang niya ng opisina para mabilis niyang ma-access ang kanyang limang district commanders.

Nakiusap si PNP Oic, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa, na bigyan ng pagkakataon si Sinas na makabwelo sa trabaho.

Tiniyak ng NCRPO Chief na bibigyan ang Press Club ng opisina sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Facebook Comments