NCRPO, sinugurong generally peaceful ang Metro Manila sa kabila ng banta ng terorismo sa Mindanao

Manila, Philippines – Inanunsyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na generally peaceful ang Metro Manila sa kabila ng banta ng terrorismo sa Mindanao.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde wala itong natatanggap na anumang banta sa seguridad sa Metro Manila kung saan siniguro din nito na papaigtingin pa rin nila ang pagbabantay sa checkpoints.

Pinalawig pa ng NCRPO ang police visibility sa buong siyudad sa pamamagitan ng pagset-up ng mga help desks sa mga mall.
Sinabi rin ng NCRPO Chief na patuloy ang palitan ng intelligence information ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Samantala, nangako naman si AFP Joint Task Force-National Capital Region (AFP-JTF-NCR) Commander B/Gen. Jesus Manangquil na handa itong suportahan ang NCRPO sa pamamagitan ng pagdagdag ng pwersa nito sa pagbabantay sa kamaynilaan.

DZXL558


Facebook Comments