NCRPO, tiniyak ang pagkakaroon ng maximum police visibility sa Metro Manila kasunod ng nangyaring pambobobomba sa Marawi

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkakaroon ng maximum police visibility sa Metro Manila dahil na rin sa pangamba ng ilan sa ating mga kababayan matapos ang nangyaring pag-atake sa Gymnasium ng isang paaralan sa Marawi.

Ayon kay NCRPO Regional Director PMAJ. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na palaging naka-heightened alert ang pwersa ng kapulisan lalong-lalo na sa Metro Manila.

Aniya, hindi lamang checkpoints ang kanilang ipinatutupad dahil liban pa rito ine-employ sa National Capital Region ang maximum visibility kung kaya mas kailangan nila ng maraming tao.


Nasa Metro Manila rin kasi ang state of government at malalaking central business district.

Samantala, iginiit din ng NCRPO na gagawin nila ang lahat para hindi na rin lubos na mag-alala ang publiko gayundin ang kasiguruhan na nakaantabay sila anumang oras para umalalay sa tulong na rin ng mga Local Government Unit at mga ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments