Manila, Philippines – Inilatag ngayon ni National Capital Region Police Office Chief, Director Oscar Albayalde ang paghahanda ng NCRPO sa darating na undas.
Sa Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Albayalde na halos 14 na libong pulis ang magbabantay para sa undas 2017 sa Metro Manila sa lahat ng sementeryo at maging sa mga residential areas na maiiwan ng mga uuwi sa kanilang mga lalawigan.
Sinabi ni Albayalde na magkakaroon ng matinding police visibility sa mga residential areas para matiyak na hindi mabibiktima ng akyat bahay ang mga maiiwang bahay.
Makatutulong din aniya ang pagbabantay ng mga barangay tanod para maiwasan ang mga pagnanakaw at iba pang krimen.
Mayroon din aniyang Quick reaction team ang NCRPO para matiyak na mayroong reresponde sa anomang mangyaring insidente.
NCRPO, tiniyak na babantayan ang mga residential areas sa Metro Manila sa Undas
Facebook Comments