NCRPO, tiniyak na walang banta ng terorismo sa Metro Manila

Manila, Philippines – Walang nakikitang banta ng terorismo ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pagkumpirma ni National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde na nasa Metro Manila na ang mga ka-anak ng Maute group.

Ayon kay Albayalde, bagama’t kaanak sila ng mga terorista hindi naman ito nangangahulugan na bayolente rin sila.


Wala rin umanong intel report ang PNP na aabot sa metro manila ang gulo sa Marawi City.

Pero ayon kay Southern Police District Police C/ Supt. Tomas Apolinario – hindi rin imposibleng may nagpaplano ng pag-atakeng sumisimpatya sa mga terorista roon.
DZXL558

Facebook Comments