NCRPO, tiniyak na walang banta sa seguridad sa Metro Manila

Umapela ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa publiko na Manatiling kalmado at mapanuri sa social media posts, kasunod ng kumakalat na video sa Facebook page na “Maranao TV” hinggil sa posibleng kaguluhan sa Metro Manila.

Ayon sa NCRPO, sa naturang video, isang hindi pa nakikilalang indibidwal ang nagbabala tungkol sa isang posibleng emergency sa Metro Manila.

Nilinaw naman ng NCRPO na matapos ang masusing beripikasyon ng kanilang intelligence units, walang natukoy na banta sa seguridad sa NCR.


Tiniyak din ng NCRPO na may contingency plans silang nakahanda sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente.

Kasalukuyan na ring iniimbestigahan ang pagkakakilanlan ng taong nasa video at ang pinagmulan ng impormasyon.

Facebook Comments