NCRPO Top 1 most wanted person, arestado sa Sogod, Leyte

Arestado ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang itinuturing na most wanted person sa Sogod, Leyte.

Ang suspek na si Prelan Grama ay apat na taong nagtago bago natunton sa Barangay Zone 5, Sogod, Leyte sa tulong ng social media.

Ayon kay NCRPO Director Police Major General Debold Sinas, pasado alas 7:00 kagabi nang ikasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng NCRPO Regional Special Operations Group, Intelligence Branch at Regional Mobile Force Battalion, Regional Intelligence Unit ng National Capital Region at Sogod Municipal Police Station.


Si Grama ay sangkot sa pagpatay kay Police Superintendent Cipriano Herrera na dating Station 3 Commander ng Manila Police District (MPD) noong December 27, 2015.

Maliban dito, sangkot din ang suspek sa ilang krimen tulad ng murder, carnapping at robbery.

Facebook Comments