Manila, Philippines – Wala pang balak ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na irekomendang isailalim sa COMELEC control ang Lungsod ng Quezon.
Sa harap na rin ito ng kaso ng pagpatay kay Barangay Bagong Silangan Chairwoman Beng Beltran na kumakandidato bilang kongresista.
Ayon kay NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar – hindi pa naman nakukumpirma na election-related ang pagpaslang kay Beltran.
Tahimik at payapa din naman aniya ang mga nagdaang eleksyon sa Quezon City.
Samantala, maging ang commission on elections ay hindi pa makapagdesisyon kung isasama sa hotspot areas ang lungsod.
Nauna nang sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na naghihintay pa sila ng rekomendasyon mula sa kanilang field officer sa Quezon City.
Facebook Comments