NCRPO, wala pang naitatalang lumalabag sa election gun ban

Manila, Philippines – Hanggang sa mga oras na ito wala pang naitatala ang National Capital Region Police Office na lumalabag sa total gun ban.

Ang election gun ban ay nagsimulang ipatupad kahapon Oktubre 1 at tataggal hanggang sa Oktubre 30 kasunod na rin ng papalapit na Barangay at Sangguaniang Kabataan elections.

Ayon kay NCRPO chief Police Director Oscar Albayalde, mahigpit na binabantayan ang mga checkpoint sa Metro Manila.


Pero paalala ng opisyal, hindi maaaring pababain ng mga pulis ang mga motorista, hindi rin pwedeng magsagawa ng frisking o pagkapkap, bawal ding buksan ang compartment ng mga sasakyan at tanging visual search lamang ang pinapayagan.

Sa pagsasagawa din aniya ng checkpoint, unang-una ay dapat makita ng publiko ang checkpoint sign, lahat ng pulis ay dapat naka-uniporme at dapat nakalagay ang pangalan ng kanilang team leader at gayundin ang pangalan ng COMELEC official.

Sa ngayon, lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang hinihintay para maipagpalibang muli ang Barangay at SK elections dahil aprubado na ng Kongreso at Senado na isagawa ang eleksyon sa May 2018.

Facebook Comments