NCRPO, wala pang natatanggap na banta sa seguridad ng pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong araw

39
Photo by: Radyoman DK Zarate

Tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na wala pa silang natatanggap na banta kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong araw, Enero 9.

Ayon kay NCRPO Director Police Brigadier General Vicente Danao Jr., tinatayang nasa 27,000 mga pulis ang ipinakalat ng NCRPO sa buong lungsod ng Maynila.


Ito ay para alalayan ang mga pulis mula sa Manila Police District (MPD) sa pagtitiyak ng seguridad ng mga deboto ngayong ginugunita ang Traslacion 2021.

Bagama’t kanselado ang ilang pisikal na aktibidad tulad ng tradisyunal na prusisyon ng poong Itim na Nazareno, aminado si Danao na malaking hamon sa kanila ngayon kung paano pananatilihin ang physical distancing sa mga deboto.

Maliban sa simbahan ng Quiapo, maaari ring dumalo ang mga deboto sa mga isasagawang misa sa San Sebastian Basilica, Sta. Cruz Church at Nazarene Catholic School Gymnasium.

Facebook Comments