Humihiling ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa mga mambabatas na gawan ng paraan na magkaroon na ng pondo ang dagdag sa social pension ng indigent senior citizens.
Sinabi NCSC Chairman Franklin Quijano, dahil bagong batas lang ang Republic Act 11916, hindi ito napasama sa orihinal na National Expenditure Program (NEP).
Mula ₱25-B, ₱50-B na ang kakailanganing pondo para sa dodoblehing pensyon ng mahihirap na mga senior citizens.
Para kay Quijano, kaya itong gawaan ng paraan ng Kongreso lalo’t sila naman ang gumawa sa nasabing batas.
Inaasahang maipatutupad sa Enero sa susunod na taon ang bagong batas na nagtataas sa buwanang pensyon mula ₱500 sa ₱1,000.
Facebook Comments