NDDRMC, nakatanggap ng mobile water treatment equipment mula sa Hungary

Tinanggap mismo ni Defense Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Delfin Lorenzana, ang bigay na mobile water treatment compact equipment mula sa Hungary ngayong umaga sa turnover ceremony sa Delsa Warehouse sa Camp Aguinaldo.

Ang donasyon ay personal na ibinigay ni Hungarian Ambassador to the Philippines Dr. József Bencze at Vice Consul Gabor Lehocz na mula sa Hungarian Water Technology Corporation (HWTC), Ltd.

Nagpasalamat naman si Lorenzana sa Hungarian Government sa pagbibigay ng pondo sa kagamitan, at sa tulong para sa pagsasanay sa Hungary ng dalawang Pilipino operators ng nasabing equipment.


Sinabi ng kalihim na malaking tulong ang mobile water treatment equipment, na may kapasidad na makapag-produce ng 150,000 na litro ng inuming tubig sa loob lamang ng isang araw, para makapag-supply sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Sa ngayon, kinokonsidera ng gobyerno na bumili pa ng karagdagang mobile water treatment equipment mula sa Hungary.

Facebook Comments