NDF consultant at dalawa pang opisyal ng CPP NPA NDF naaresto ng pulisya at militar sa Laguna

Nadakip ng mga tauhan ng Laguna Police Provincial Police Office at 202nd Infantry Brigade ang isang National Democrtic Front consultant at dalawa pang opisyal ng Communist Party of the Philippines, new peoples army o CPP NPA matapos ang kanilang ikinasang operasyon sa Brgy. Calumpang Liliw Laguna kahapon.

 

 

Ayon kay Pnp Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang naarestong NDF consultant ay si Francisco Fernandez alyas frank 71 anyos tubong brgy Ilaya dumanhog Cebu City at pansamantalang tumutuloy sa brgy Calumpang Liliw Laguna.

 

Habang ang dalawang CPP NPA official ay sina Cleofe Lagtapon alyas guia, 66 anyos tubong Negros Occidental at pansamantala ring tumutuloy sa  brgy Calumpang Liliw Laguna. Nagsisilbi itong regional deputy secretary for communications at regional deputy secretary for education komite rehiyon- Negros Cebu Bohol Siquijor (KR-NCBS)


 

At Gee-Ann Perez alyas angie 20 anyos tubong Lapu Lapu City Cebu at nagsisilbing regional communication staff ng KR NCBS.

 

Ang dalawang ito ay may mga kasong murder na ang warrant of arrest ay inisyu ni Regional Trial Court 60 Cadiz City Executive Judge Hon Renato Muñoz habang si Perez ay nahaharap sa kasong illegal possesion of firearms.

 

Sa pagaresto sa mga ito, nakuha ang tatlong short firearms , 3 piraso ng magazine caliber 45 with 15 rounds of live ammunition, tatlong hand grenades.

 

Ayon kay  2nd Infantry Division Commanding General Major  Rhoderick Parayno. Sa  ngayon anim na ang naaresto mula sa 23 wanted na CPP NPA NDF officers.

Facebook Comments