NDF, hinamon na kontrolin ang NPA sa paggawa ng karahasan

Manila, Philippines – Hinamon ng ilang kongresista ang New People’s Army na kontrolin ang mga tauhan nito kung gusto pang ipagpatuloy ang usaping kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Giit ni PBA PL Rep. Jericho Nograles, kung hindi magagawang kontrolin ng National Democratic Front ang NPA sa kanilang pag-atake sa pwersa ng gobyerno at sa mga sibilyan, huwag asahan ng rebeldeng grupo na mabubuksan muli ang peace negotiations.

Tinawag din na “cowardly attack” ng kongresista ang karahasang ginawa ng NPA dahil seryoso ang gobyerno sa pagtupad sa usaping kapayapaan.


Dagdag naman dito ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, simple logic lang naman ito dapat sa hanay ng NPA dahil kung ang nais talaga ay kapayapaan ay dapat tumupad ito sa kasunduan.

Nauna dito ay nagpahayag ang pamahalaan na kanselado ang back channel talks sa NDF hanggat hindi natitigil ang mga pagkilos at karahasan laban sa gobyerno.

Facebook Comments