MANILA – Itinanggi ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang lumabas na ulat na naaresto ang kilalang consultants ng komunistang grupo na sina Benito at Wilma Tiamzon sa Norway.Ayon kay NDFP Chief Negotiator Fidel Agcaoili, peke ang nasabing balita at nakabalik na sa Pilipinas ang mag-asawang Tiamzon tulad ng iba pang mga peace consultants.Lumabas kasi sa website nawww.metro-uk.comna naaresto umano ng International Police (INTERPOL) ang mga Tiamzon sa Norway kung saan sila nagtatago.Sinabi pa ng isang consultant na si Randy Malayao, pumunta pa ang mag-asawa sa isang forum sa University of the Philippines-Diliman noong Sabado, bago inanunsyo ng pamahalaan ang muling pagpapa-aresto sa kanila.Tinutugis na ngayon ng mga otoridad sina Tiamzon at iba pang mga peace consultants matapos suspindehin ng pangulo ang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng NDFP.Kinansela na rin ng pamahalaan ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na nagbibigay proteksyon sa mga pinalayang consultants.
Ndf, Itinanggi Ang Pagkaka-Aresto Sa Kilalang Consultants Ng Komunistang Grupo
Facebook Comments