NDF, tinukoy bilang terrorist organization ng Anti-Terrorism Council

Idineklara na ng Anti-Terrorism Council bilang terrorist organization ang National Democratic Front (NDF).

Sa resolusyong nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nakasaad dito na sinusuportahan ng NDF ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army batay na rin sa Article 6 ng 2016 CPP Constitution.

Anila, mismong si CPP Founder Jose Maria Sison ang nagsabing kaalyado nila ang NDF habang nagsisilbing interim chairperson ng NDF negotiating panel ang kaniyang asawa na si Juliet de Lima-Sison.


Matatandaang noong Disyembre ng nakaraang taon nang idineklara rin ng Anti-Terrorism Council ang CPP-NPA bilang terrorist organization habang 19 na indibidwal ang tinukoy nitong Mayo na umano’y mga lider ng CPP-NPA.

Facebook Comments