NDFP consultant Renante Gamara, arestado sa Cavite

Naaresto sa Imus, Cavite ang mataas na lider at peace consultant ng National Democratic Front of the Philippine (NDFP) dahil sa ilegal na pag-iingat ng armas at granada.

Kinilala ang peace consultant na si Renante Gamara, 61-anyos kung saan nakuhaan siya ng baril, dalawang hand grenade at P90,000 cash.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, naaresto na rin noong 2012 si Gamara pero pansamantalang nakakalaya dahil sa peace negotiation ng pamahalaan.


Bukod kay Garama, nahuli rin sa operasyon ang dalawa niyang kasama

Giit naman ng abugado ni Gamara, hindi pag-aari ng kaniyang kliyente ang armas.

Facebook Comments