NDFP peace consultant, patay nang pagbabarilin sa Nueva Vizcaya

Patay matapos tambangan ang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Randy Felix P. Malayao.

Mismong sa loob ng pampasaherong bus sa bayan ng Aritao sa Nueva Vizcaya binaril ang biktima kaninang alas 2:30 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, nag-stop over ang sinasakyang bus ni Malayao nang sumakay ang suspek at nilapitan ang natutulog na biktima saka siya binaril.


Nabatid na bago kanselahin ng pamahalaan ang peacetalks sa CPP-NDF-NPA, si Malayao ay nakadalo sa mga peace negotiation na ginanap sa Europa bilang consultant kung saan umakto rin siyang tagapagsalita ng NDFP negotiating panel.

Facebook Comments