Aminado ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kulang ang kanilang pondo para magbigay ng hazard pay sa mga rescuers na kinakaharap ang kambal na banta ng kalamidad at ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, hindi nila sakop ang budgetary requirement para dito.
Ang magagawa aniya nila ay bumuo ng polisya para sa pagbibigay ng hazard pay sa mga rescuer.
Matatandaang nasa 24 disaster officers mula Northern Samar ang nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa NDRRMC na bayaran sila at iba pang manggagawa dahil sa pagharap sa iba’t ibang hazards.
Facebook Comments