NDRRMC at Civil Defense Officials, nakipagpulong sa mga opisyal ng Japanese Disaster Management

Photo Courtesy: NDRRMC

Nakipagdayalago si National Disaster Risk Reduction and Management Chairman at Department of National Defense Officer in Charge, Secretary Carlito Galvez at NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Usec. Ariel Nepomuceno kay Japanese Disaster Management Minister Tani Koichi kahapon.

Ang pagpupulong ng mga disaster officials sa Japan Cabinet Office sa Tokyo ay kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Japan.

Ibinahagi ng mga Japanese disaster officials sa Philippine delegation ang kanilang best practices sa resilience-building strategies at disaster operations.


Iprinisinta din ng Japanese Disaster Management Ministry ang kanilang mga flood mitigation projects gayundin ang disaster response system na nakatuon sa search and rescue.

Napag-usapan din ang collapsed structure search and rescue sa gitna ng naganap na lindol sa Turkiye.

Samantala, kapwa nagpasalamat sina Sec. Galvez at Usec Nepumuceno kay Minister Tani at sa kanyang team, sa tulong at kooperasyon ng Japan sa pagpapaunlad ng disaster management system ng Pilipinas.

Facebook Comments